WALA...
Bilang isang Pilipinong kumakayod ng mahigit otso oras isang araw... WALA.
Bilang isang indibidwal na lubog sa utang... WALA.
Bilang isang tao nakarehas ang mga potensyal sa mundong punong-puno ng pangangailangan ng kaginhawan... WALA.
"Yes we did!...Yes we can!" ang sigaw ng mga amerikano... eh tayong mga Pilipino? May mapapala kaya tayo kay Obama? May magbabago ba sa mundo ng mga Pinoy?
Tignan natin...
1. Makikinabang ba ang mga Pilipinong nasa Amerika sa pagkapanalo ni Obama?
Marami akong kakilala na nasa Tate. Meron akong mga kaklase, kaibigan, ninang at ninong at mga kamag-anak. Pero ewan ko kung sino sa kanila ang naging amo na sa Amerika? Sino sa kanila ang nagmay-ari na ng sariling negosyo? Ganun pa rin ba ang kanilang buhay habang naka-upo si Obama?
2. Makikinabang ba ang mga Pilipinong nasa Pilipinas sa pagkapanalo ni Obama?
Sa nakaraang Top 10 list ng show na "Ang Pinaka" kung anong mga bansa ang pinaka-Pinoy friendly, USA ang nanguna. Sa loob ng ilang taong magiging panunungkulan ni Obama, mananatili pa rin bang number 1 Pinoy-friendly ang bansang US? Meron pa rin bang American dream ang mga Pinoy? Hindi na ba mare-reject ng visa ang isang Pinoy kapag wala siyang pera sa bangko o kaya wala siyang syotang Amerikano? Liliit ba ang buwis ng mga Pilipino? Tataas ba ang sahod ng mga Pilipino? O tatambay na lang uli ang mga Pilipino?
3. Makikinabang ba ang Pilipinas sa pagkakapanalo ni Obama?
Mababawasan ba ang utang ng Pilipinas sa IMF, WB, ADB at iba pa? Hindi na ba magagamit ang Pilipinas sa mga larong baril-barilan ng mga kano? Dadami ba ang trabaho sa Pilipinas dahil sa dami ng negosyo at turismong papasok mula kay Uncle Sam? O dadami lang ang prosti, fil-am na walang ama, AIDS sa bansa natin? Lalawak ba lalo ang imperialistang kapitalistang sistema ng Amerika na siyang nagpapamukhang tuta sa ating kawawang gobyerno?
Pakisagot nga po ang mga tanong na yan... at nang dumami pa ang hits ko.
No comments:
Post a Comment
Scratch your thoughts here, unless it's SPAM!